Hindi magiging available ang tool na Online na Pagpaparehistro ng Botante ng California habang regular kaming nagsasagawa ng nakaiskedyul na pagmementina. Ito ang kasalukuyang petsa at oras ng pagmementina: Setyembre 18, 2024, 6:00 hanggang 9:00 p.m. Sa panahong ito magagawa mo pa ring online na magparehistro para makaboto; gayunman, aatasan kang i-print, pirmahan, at ipadala sa pamamagitan ng koreo ang iyong form ng pagpaparehistro. Maaari ka ring bumalik kapag naibalik na ang buong serbisyo at magparehistro online nang hindi na kailangang mag-print o magpakoreo ng anumang mga form.

Online na Pagpaparehistro ng Botante sa California

Maligayang paggamit ng website para sa Online ng Pagpaparehistro ng Botante sa California.

Mas Gustong Wika

Kung nais mong magpatuloy sa isang wikang iba sa Tagalog, mangyaring piliin ang iyong wika sa ibaba.

Mga Kalahok sa Safe at Home (Ligtas sa Tahanan)

Mangyaring HUWAG gamitin ang pormang ito upang magparehistro o muling magparehistro para makaboto sa isang kompidensiyal na programa sa tirahan tulad ng Safe at Home. Kung ang pagbahagi ng iyong tirahan ay makakapaglagay sa iyo sa isang panganib na nagbabanta sa buhay, maaaring karapat-dapat kang kompidensiyal na magparehistro para makaboto.

Para sa karagdagang impormasyon, tawagan ang programang Safe at Home sa (877) 322-5227 o bisitahin ang www.sos.ca.gov/registries/safe-home/.

Huling Araw ng Pagpaparehistro

Kung ikaw ay nagpaparehistro o muling nagpaparehistro nang kulang sa 15 araw bago ang halalan kakailanganin mong kumpletuhin ang Proseso ng Kaparehong-Araw na Pagpaparehistro ng Botante at hilingin ang iyong balota nang personal sa opisina sa mga halalan ng iyong county o lokasyon ng pagboto.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpaparehistro ng botante at mga lokasyon ng pagboto, makipag-ugnayan sa lokal na opisyal sa mga halalan ng county.

Ang Kakailanganin Mo

Upang magparehistro online kakailanganin mo ang

  • Ang numero ng iyong lisensiya ng drayber sa California o kard ng pagkakakilanlan sa California,
  • Ang huling apat na bilang ng iyong numero ng social security at
  • Iyong petsa ng kapanganakan.

Ang iyong impormasyon ay ibibigay sa Kagawaran ng mga Sasakyang De-motor (Department of Motor Vehicles, DMV) ng California upang makuha ng kopya ng iyong pirma sa DMV.

Kung ikaw ay walang lisensiya sa pagmamaneho sa California o kard ng pagkakakilanlan sa California, magagamit mo pa rin ang form na ito sa pag-aaplay upang magparehistro para makaboto. Gayunman, kakailanganin mong gumawa ng mga karagdagang hakbang upang makumpleto ang iyong pagpaparehistro bilang botante.

Karagdagang Impormasyon

Tsekan kung ikaw ay nakarehistro para makaboto at kung gayon, sa anong county.

Kung ikaw ay 16 o 17 taong gulang, magagamit mo itong online na aplikasyon sa pagpaparehistro upang maagang magparehistro para makaboto.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpaparehistro para makaboto bisitahin ang mula sa Kalihim ng Estado na Mga Madalas Itanong (Frequently Asked Questions).

May mga Katanungan o Gustong Mag-ulat ng Pandaraya?

Tawagan ang Nakahandang Linya para sa Botante ng Kalihim ng Estado sa (800) 339-2957 o ang opisina sa mga halalan ng iyong county.