Ang pahinang ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga kinakailangan sa pinakamahusay na pagtingin sa website ng Online na Pagpaparehistro ng Botante sa California (California Online Voter Registration, COVR).
Ang aplikasyong COVR ay pinakamahusay na gumagana kapag gumagamit ng Microsoft Internet Explorer (IE) 8.0 o mas mataas, Opera 10 o mas mataas, o ang pinakabagong bersiyon ng Google Chrome, Mozilla Firefox, o Safari. Kung ikaw ay gumagamit ng mas lumang bersiyon ng alinman sa mga browser na ito, maaaring kailanganin mong lumipat sa pinakabagong bersiyon. Upang itaas ang iyong browser, pumunta sa https://browsehappy.com/.
Ang aplikasyong COVR ay nangangailangan ng JavaScript upang bigyan ng kakayahan ang iyong web browser. Kung ang JavaScript ay inalisan ng kakayahan, hindi mo magagawang kumpletuhin ang iyong pagpaparehistro gamit ang aming online na aplikasyon. Maaari kang mag-download ng isang maililimbag na porma ng pagpaparehistro upang kumpletuhin at ipakoreo.
Ang aplikasyong COVR ay nagtataglay ng mga pagkakaugnay sa mga dokumentong nasa Portable Document Format (PDF), na hindi diretsong mabubuksan ng iyong web browser. Upang mag-download at mag-instala ng libreng PDF Reader, maaari mong bisitahin ang:
Kung hindi ka makasulong sa kasunod na pahina, ang isang kinakailangang katanungan ay hindi nasagot. Upang sumulong, muling basahin ang pahina mula sa unahan upang marinig ang anumang mga mensahe ng tagubilin o pag-alerto para sa tulong sa pagsagot sa katanungan. Sa sandaling masagot ang katanungan, pahihintulutan ka ng aplikasyon na sumulong sa kasunod na pahina sa panayam.
Ang aplikasyong COVR ay tumatanggap lamang ng mga Ingles na karakter (i.e., a, b, c, 1, 2, 3) at hindi tumatanggap ng alinman sa mga sumusunod na espesyal na karakter:
Gamitin ang mga buton na "Nauna" at "Kasunod" sa loob ng aplikasyon para sa pagpaparehistro at hindi ang mga buton na "Back" ng browser.
Ang Kalihim ng Estado ng California ay hindi responsable para sa anumang mga problema sa hardware o software na resulta ng instalasyon ng ikatlong partidong mga kasangkapan, kabilang ang mga web browser, plug-in, o ibang iminumungkahing mga download.