Iginagalang ng Kalihim ng Estado ng California ang iyong karapatan sa pagkapribado kapag tinitingnan ang mga pahina sa aming lugar sa Internet. Hindi namin sinusubaybayan o tinitipon ang anumang impormasyon tungkol sa mga indibidwal na bisita sa aming lugar sa Internet maliban sa mga partikular na pagkakataon kapag ang tulong na teknikal ay maaaring kailangan.
Upang matiyak na ang aming lugar ay mapupuntahan ng pinakamaraming tao na posible, talagang sinusubaybayan namin ang kabuuang bilang ng mga bisita sa magkakaibang pahina sa aming lugar at sinusubaybayan din ang iba't ibang uri ng web browser na ginagamit ng aming mga parukyano.
Maliban kung isinama ng Batas sa mga Pampublikong Rekord ng California o ibang batas ng estado, karamihan ng impormasyong nakasaad sa mga dokumentong iniharap sa opisina ng Kalihim ng Estado, sa paraang elektronikal o personal, ay bukas sa publiko. Itong Pahayag sa Pagkapribado ay hindi nagbabago sa kalagayan na ang impormasyong iyon ay mapupuntahan ng publiko.
Ang mga listahan ng pagpaparehistro ng botante ay hindi makukuha ng pangkalahatang publiko. Gayunman, ang batas ng California ay nagpapahintulot ng partikular na impormasyon tungkol sa botante na ilalabas sa isang miyembro ng Lehislatura ng California o Kongreso ng U.S., o sa sinumang kandidato, anumang komite para o laban sa isang iminumungkahing panukala sa balota, sinumang tao para sa halalan, para sa pag-aaral, pamamahayag, o pampulitikang layunin, o para sa layuning pampamahalaan. Maging sa mga kasong ito, ang ilang bagay ay namamalaging kompidensiyal at hindi kailanman ibinibigay sa sinumang humiling: iyong numero ng social security, iyong numero ng lisensiya sa pagmamaneho, at iyong pirma.