Ang Kalihim ng Estado ay nakalaang magkaloob ng isang website na mapupuntahan ng lahat ng bisita. Ang website na ito ay idinisenyo upang tugunan ang level Double-A ng World Wide Web Consortium (W3C) Web Content Accessibility Guidelines 2.0. Ang website na ito ay binuo gamit ang code na sumusunod sa mga patnubay ng W3C para sa HTML at CSS. Ang patnubay ay tumutulong sa mga organisasyon na gawin ang nilalaman ng web na mas mapupuntahan ng mga taong may kapansanan.
Ang opisina ng Kalihim ng Estado ay nagpupunyaging gawin ang lahat ng pahina ng web nito na madaling mapuntahan at magamit. Kung nahihirapan kang puntahan ang website ng Kalihim ng Estado ng California, mangyaring tawagan ang Nakahandang Linya para sa Botante ng Kalihim ng Estado sa (800) 339-2957 o magpadala ng email sa Tagapag-ugnay ng Kalihim ng Estado sa Pagiging Mapupuntahan, Michael Green.Kung hindi ka makasulong sa kasunod na pahina, ang isang kinakailangang katanungan ay hindi nasagot. Upang sumulong, muling basahin ang pahina mula sa unahan upang marinig ang anumang mga mensahe ng tagubilin o pag-alerto para sa tulong sa pagsagot sa katanungan. Sa sandaling masagot ang katanungan, pahihintulutan ka ng aplikasyon na sumulong sa kasunod na pahina sa panayam.